BEGIN:VCALENDAR
VERSION:2.0
PRODID:-//Bulwagan ng Dangal University Heritage Museum - University of the Philippines Diliman - ECPv6.15.20//NONSGML v1.0//EN
CALSCALE:GREGORIAN
METHOD:PUBLISH
X-ORIGINAL-URL:https://bulwaganngdangal.upd.edu.ph
X-WR-CALDESC:Events for Bulwagan ng Dangal University Heritage Museum - University of the Philippines Diliman
REFRESH-INTERVAL;VALUE=DURATION:PT1H
X-Robots-Tag:noindex
X-PUBLISHED-TTL:PT1H
BEGIN:VTIMEZONE
TZID:Asia/Shanghai
BEGIN:STANDARD
TZOFFSETFROM:+0800
TZOFFSETTO:+0800
TZNAME:CST
DTSTART:20210101T000000
END:STANDARD
END:VTIMEZONE
BEGIN:VEVENT
DTSTART;TZID=Asia/Shanghai:20220921T000000
DTEND;TZID=Asia/Shanghai:20221016T235959
DTSTAMP:20260420T044608
CREATED:20240529T083732Z
LAST-MODIFIED:20240529T083732Z
UID:882-1663718400-1665964799@bulwaganngdangal.upd.edu.ph
SUMMARY:Sining Protesta: Imahe at Tema\, Anyo at Pagkilos
DESCRIPTION:Malaki ang papel na ginagampanan ng sining biswal sa paglantad\, pagpuna\, at pagtuligsa sa mga mapanupil na kaganapan at kondisyon sa lipunan. Ito ay malinaw na naipamalas noong dekada ‘70 kung saan ang bayan ay isinailalim sa karimarimarim na Batas Militar. Sa kabila ng mga akto ng pagsensura at banta sa seguridad na ipinatupad ng pamahalaang diktadurya\, tuwiran at di-tuwirang ipinahayag ng mga artista at mga grupo ng mga artista ang kanilang mga saloobin at mithiin para sa bayan sa pamamagitan ng kanilang sining protesta. Sa pagpapatalsik sa mga Marcos na napagtagumpayan noong 1986\, hindi nagwakas ang hamon at pangangailangan na tumugon ang sining sa mga sari-saring isyung ikinaharap ng iba’t ibang sektor ng lipunan. \nSa pagnanasang ilapit ang kanilang sining sa nakararami\, humayo ang maraming artista at mga grupo mula sa paggamit ng mga kanonikal na uri ng sining biswal\, tulad ng mga pinta o eskultura; at isinakasangkapan rin ang mga popular na midya\, tulad ng mga karatula\, banner\, polyetos\, editorial cartoon\, at iba pa. Imbis na nakapaloob lamang sa mga museo at institusyong pangkultura ang sining\, nagiging espasyo rin nito ang mga lansangan kung saan makikita at maririnig ng mas nakararami ang mensaheng nakapaloob sa mga ito. Mahihinuha rin na ang mga artista ay naging bahagi ng mga grupo kung saan nila tinalakay ang mga isyung panlipunang nais tugunan at paminsa’y lumikha ng mga obra nang magkakasama. Iginigiit ng pag-iral ng mga grupong ito ang kahalagahan ng kolektibong layunin at pagkilos gamit ang sining para sa ikabubuti ng bayan. Sa pamamagitan ng mga puntong nabanggit\, maaaring suriin ang sining protesta bilang pagbatikos hindi lamang sa elitistang pananaw ukol sa sining kundi pati na rin sa romantikong pagtingin sa artista bilang sole genius sa proseso ng paglalang ng sining.
URL:https://bulwaganngdangal.upd.edu.ph/event/sining-protesta-imahe-at-tema-anyo-at-pagkilos/
LOCATION:UP Academic Oval
CATEGORIES:Exhibitions
ATTACH;FMTTYPE=image/jpeg:https://bulwaganngdangal.upd.edu.ph/wp-content/uploads/2024/05/sining-protesta.jpg
END:VEVENT
END:VCALENDAR