Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

Remounting of “Kalahating Siglo ng Daluyong”

September 16, 2024September 20, 2024

Noong taong 2022, ginunita ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman ang ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Bahagi ng mga naging gawain ang pagbuo sa mural na pinamagatang Kalahating Siglo ng Daluyong. Nakapinta rito ang mga imahe ng ilang henerasyon ng mga mag-aaral, magsasaka, manggagawa, propesyunal, artista at makata na nag-alay ng kanilang buhay sa pagpuna sa mga suliraning hinaharap ng bayan at pakikibaka laban sa paniniil at pang-aabuso ng mga makapangyarihan. Sinisimbolo nito ang pagsisikhay ng mga artista ng bayan na gunitain at ipaalala ang kalagiman ng rehimeng Marcos Sr. sa panahong tuluyan nang nanumbalik ang kanyang pamilya sa kapangyarihan. Kasabay nito ang pag-asa na sa pamamagitan ng patuloy na pagpupunyagi ng nagkakaisang taong-bayan, matatamo rin natin ang tunay na pagpiglas sa mga panlilinlang at karahasang nananatili pa rin mula pa noong panahon ng diktadura.