Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

Kaloob-Sining Biswal: Mga Likha ng mga Artista-Iskolar ng UP Diliman

February 28, 2023March 17, 2023

Ang paglikha ay isang daluyan at lagusan ng pagtuklas, pagsisiyasat, pagpapalalim, pagpapahayag, at pagtindig. Ipinamamalas ito ng mga artista-iskolar ng Visual Arts and Cultural Studies Scholarship Program (VACSSP) at Creative Critical Thesis Grant in the Arts, Culture, and the Humanities (CCTGACH) sa kauna-unahang eksibisyong pisikal at online na nakalaan upang makilala sila at ang kanilang likhang-sining ng mas malawak na komunidad ng pamantasan.

Binabagtas ng mga artista-iskolar ang sari-saring tanong ukol sa sining, lipunan, at sangkalibutan sa pamamagitan ng kanilang napiling anyo: guhit, pinta (tradisyunal at digital), limbag, assemblage sculpture, photography, mixed media art, video art, at film montage. Nakaugat ang gawaing ito sa lalim at talas ng kanilang suri, sipat, dama, danas, at unawa sa sarili at sa kapaligiran na kinapapalooban nila. Kaya naman masasabing sinasalamin ng kanilang likha ang natatanging kinatatayuan nila bilang tao at kapwa na kasapi ng lipunan at mamamayan ng daigdig.

Ang pagiging mapanlikha at malikhain ng mga artista-iskolar ang kanilang pinakamatimyas na handog at ambag bilang Artista ng Bayan—taglay ang husay at dangal para sa iba na siyang diwa ng pamantasan.

Details

Start:
February 28, 2023
End:
March 17, 2023
Event Category:

Venue

Palma Hall Lobby