Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

Engkwentro: Sa(lay)say ng Diliman Commune (Virtual Exhibit)

February 9, 2021

Ang Diliman Commune ay isang mahalagang bahagi sa kasaysayan ng Unibersidad ng Pilipinas na kinapapalooban ng iba’t ibang uri ng engkwentro ng mga estudyante, mga guro, mga kawani, mga opisyal, mga pulis, mga politiko, mga residente ng kampus, at ng media, at kumakatawan sa iba’t ibang ideyolohiya at paninindigan na masasabing patuloy na nakakaapekto sa Unibersidad sa kasalukuyan.

Ang mga kalahok at saksi ng Diliman Commune ay nagtagpo sa mga barikada na itinayo sa mga lansangan sa kampus ng UP Diliman noong Pebrero 1 – 9, 1971. Sa okasyon ng ika-50 taon ng komemorasyon ng kasaysayan nito, ang eksibisyon ay naghahangad na maging tagpuan muli ng kasaysayan at ng perspektiba ukol sa mga naganap matapos ang limampung taon.

Details

Date:
February 9, 2021
Event Category:

Venue

Virtual