Sa paglipat ni Oble sa Diliman, nagsimula ang pamamalagi ng pamayanan sa bago nitong tahanan, habang ipinagpapatuloy ang orihinal nitong mithiing mamahagi at makibahagi sa bayan.
Higit sa pagiging isang pamantasan, ang UP Diliman ay isang komunidad na hinuhulma ng mga magkakahabing ugnayan—ng pingkian, tunggalian, damayan, at bukluran—sa loob at labas nito. May kaakibat na talim at bísa ang mga elementong ito sa isa’t isa—mga pagtatalában na nagdudulot ng pagtatása at pagyabong.
Kilalanin pa ang pamayanang UP Diliman sa eksibisyong Ugnayan: Mga Kwento ng Talában sa Pamayanang UP Diliman mula Marso 12 hanggang 22 sa Bulwagan Palma, Bulwagang Benitez, at sa isang bahagi ng UP Academic Oval.
Ang proyektong ito ay sa pangunguna ng UPD Opisina ng Pagpapasimuno sa Kultura at mga Sining at Bulwagan ng Dangal University Heritage Museum, bilang bahagi ng pagdiriwang ng UP Diliman Arts and Culture Festival 2024: Pamamalagi at Pamamahagi.