The exhibition commemorating the 75th anniversary of the Oblation‘s transfer from Ermita to Diliman, entitled “Ugnayan: Mga Kuwento ng Talában sa Pamayanang UP Diliman” officially opened in 12 March 2024, Tuesday, with a program. The exhibition has three components: one at the Palma Hall lobby, another at the Benitez Hall lobby, and the last one at the portion of the UP Academic Oval that connects the two buildings.
Here’s an excerpt from the exhibition text:
Ang hugis at hubog ng isang pamayanan ay hinuhulma ng mga magkakahabing ugnayan sa loob at labas nito. Sa ugnayang ito, nagtatagpo ang iba’t ibang pananaw, pamamaraan ng pag-alam at paggawa, at sistema ng halagahan. May kaakibat na talim at bísa ang mga elementong ito sa isa’t isa—mga pagtatalában na maaaring magdulot ng pagtatása at pagyabong. Sanhi ang mga ito, kasama ang mga salik na nagbabago sa pagdaan ng panahon, sa pagkadinamiko ng pamayanan.
Maituturing na isang makulay na pamayanan ang UP Diliman. Bago pa man inilipat ang Oblasyon mula sa Ermita noong 1949 na naging hudyat ng pamamalagi sa bagong saklaw nitong lupain sa Diliman, ang pamantasan ay isa nang pook ng mga pingkian, tunggalian, damayán, at bukluran. Ang mga ito nga marahil ang dahilan kung bakit malimit sabihin na ang pamantasan ay tila mikrokosmo ng bayan. Batid ang orihinal na hangad para sa pamantasan, litaw rin mula noon hanggang sa kasalukuyan ang marubdob na lapit at pakikibahagi nito sa mas malawak na lipunan. Nilalayon ng eksibisyon na maipamalas ang mga talában sa mga ugnayang humahabi sa pamantasan, upang mas maunawaan pa ang mga napagtagumpayan, kabiguan, at pagkanatatangi nito bilang isang pamayanan.
Photographs of the opening can be accessed here.